Epektibong petsa: 1 Abril 2020

Ang layunin ng Customer Contact Data Protection Notice na ito ay para bigyan ang mga taong kumakatawan sa mga kumpanya ng aming customer ng impormasyon ng kanilang pagpoproseso ng personal na datos at proteksyon. Nagbibigay ang Data Protection Notice ng pangkalahatang paglalarawan ng naturang personal na pagpoproseso ng datos. Kung kaya, ang lahat ng detalyeng ibinigay sa Customer Contact Data Protection Notice na ito ay maaaring hindi lumapat sa iyong kaso sa partikular. Sa pangkalahatan, pinoproseso namin ang iyong pangunahing personal na datos, gaya ng iyong impormasyon sa pagkontak, para magsagawa ng negosyo sa kumpanyang iyong kinakatawan.

ITO’Y PAGSASALING-WIKA LAMANG. SA KASO NG ANUMANG MGA PAGKAKAIBA, ANG INGLES NA BERSYON NG ABISO NA ITO ANG MANANAIG.

Bilang isang tuntnin:

  • ang iyong mahalagang pagsasapersonal na impormasyon;
  • impormasyon ng kumpanya na iyong kinakatawan;
  • ang mga detalye ng iyong kontak;

Depende sa iyong aktibidad:

  • mga teknikal na nagpapakilala;
  • mga pahintulot na ibinigay mo sa amin;
  • datos ng pag-uugali (hal. kung paano mo ginamit ang aming mga digital na serbisyo);
  • impormasyon ng iyong pagbabayad;

Kasama sa mga halimbawa ng mga katangian ng datos:

Ang Konecranes Plc (itinatag sa Finland at pagiging pinagmulang kumpanya ng Konecranes Group) ang may panlahatang responsibilidad at pinakamataas na kapangyarihan sa pagdedesisyon. Ang Konecranes Global Corporation (itinatag sa Finland) ay may limitadong responsibilidad para sa sentrilisadong mga sistema/application ng IT ng Konecranes Group (kabilang ang subcontracting) pati na rin ang internasyonal na paglilipat ng personal na datos sa labas ng EU/EEA
 
Maaari mo kaming kontakin sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa data.protection(a)konecranes.com

Mayroon kaming legal na karapatan na iproseso ang iyong personal na datos batay sa iyong lehitimong interes para magsagawa ng negosyo sa kumpanyang iyong kinakatawan.

Sa karaniwan, kailangan naming iproseso ang iyong personal na datos upang mabigyang kakayahan ang matagumpay na direkta at hindi direktang mga transaksyon ng negosyo sa kumpanyang iyong kinakatawan - tulad ng pagtanggap ng mga order at delivery ng mga produkto at serbisyo (direkta) pati na rin ang pagpapaunlad ng aming panloob na mga proseso at sistema para suportahan ang mga transaksyong ito (hindi direkta). Gumagamit ang Konecranes ng artipisyal na intelihensiya (AI) sa pagproseso ng personal na datos at maaari ring gumamit ng personal na datos upang sanayin ang mga modelong o sistemang AI. Ang mga layunin ng pagsasanay ay malinaw na tinukoy at mahigpit na nililimitahan. Sa anumang pagkakataon ay hindi sasanayin ang AI para sa mga layuning lampas sa tahasang nakalista sa ibaba. Mahalaga: ang personal na datos na kontrolado ng Konecranes ay hindi kailanman ginagamit upang sanayin ang mga AI model o system sa labas ng Konecranes. Ibig sabihin, hindi gagamitin ang personal na datos upang bumuo o pahusayin ang mga AI system ng ikatlong partido o supplier.

Sa detalye, ginagamit namin ang iyong personal na datos para sa mga sumusunod na layunin:  

  1. Pagpapaunlad at pag-uulat ng negosyo;
  2. Pangangasiwa ng kalidad;
  3. Pananaliksik at pagpapaunlad ng mga produkto at serbisyo;
  4. Produksyon, pangangasiwa, pagpapanatili at pananaliksik at pagpapaunlad ng mga proseso, mga serbisyo at imprastraktura ng IT;
  5. Mga aktibidad ng pagmemerakado;
  6. Mga aktibidad ng sales;
  7. Customer relationship management (pangangasiwa ng relasyon sa customer) ("CRM");
  8. Pagmamanupaktura ng mga produkto;
  9. Delivery ng mga produkto at serbisyo (kabilang ang pag-access sa mga digital channel at rekords ng pagsasanay sa produkto/serbisyong nakumpleto ng mga kontak ng customer ng Konecranes Group);
  10. Pag-i-invoice, pagbubuwis at mga kaugnay na transaksyon hinggil sa pananalapi; at
  11. Pagtitiyak sa integridad ng kaligiran ng negosyo at mga proseso ng Konecranes Group (kabilang ang pagsusubaybay sa sistema/seguridad para sa pagpigil o inspeksyon ng maling paggamit gaya sa maaaring kailanganing kaso);
  12. Mga pag-aaral sa background ng mga customer (kabilang ang mga kontak ng customer kung kinakailangan);
  13. Pag-o-organisa ng mga pangyayari;
  14. Pagtitiyak ng kaligtasan ng mga kawani (kabilang ang mga kontak ng customer); at  
  15. Pag-a-archive ng hindi aktibong personal na datos sa saklaw ng ibang gamit ng mga layunin at muling tukuyin ang pagpapanatili ng mga tuntunin;
  16. Pagsasakatuparan at/o pagtatanggol sa mga karapatan at obligasyon ng kumpanya;

Maaari namin gamitin ang iyong personal na datos para pabutihin ang karanasan ng customer at para bumuo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng pag-a-analisa sa iyong mga interes. Batay sa nakolektang datos hinggil sa aming mga komunikasyon at interaskyon sa iyo, maaari naming analisahin ang mga pangangailangan para sa ibayong pangangasiwa ng relasyon ng customer at/o mga kaugnay na aktibidad ng sales.  

Maaari naming ikategorya ang mga customer at mga taong kontak ng customer sa datos na nakolekta para mas mabuting mapuntirya ang aming mga serbisyo sa iyo. Maaaring kasama dito ang pagpuntirya sa pagmemerkado, mga survey ng kasiyahan at mga komunikasyong nauugnay sa sales. Ang pagkakategorya ng mga customer ay bahagyang nakabatay sa naka-awtomatkong pagdedesisyon. Bilang halimbawa, maaari ka naming ikategorya nang awtomatiko batay sa iyong mga reaksyon hinggil sa aming mga mensaheng pagmemerkado. Gayunman, ang aming naka-awtomatikong pagdedesisyon ay hindi nakagagawa ng legal o katulad na mahahalagang epekto hinggil sa iyo. Nagaganap ang aming pagkakategorya sa isang karaniwang lebel at gumagamit lamang kami ng limitadong dami ng iyong personal na datos para sa mga pagkakategoryang layunin.

Ang aming paggamit ng iyong personal na datos ay binibigyang kakayahan at sinusuportahan ka sa bahagi nito sa pagkakasakatuparan ng iyong mga tungkulin sa trabaho kaugnay sa mga transaksyon ng negosyo sa pagitan namin at ng kumpanyang iyong kinakatawan.

Parati kang may karapatang:

  • Tutulan ang pagpoproseso ng iyong personal na datos sa mga dahilan ng aming lehitimong interes; at
  • Hindi sumali sa pagtanggap ng anuman sa aming direktang mga mensaheng pagmemerkado at mga materyales.

Sa anumang oras, mayroon ka ring karapatan na:

  • Makakuha ng access sa iyong personal na datos;
  • Beripikahin ang katumpakan ng iyong personal na datos;
  • Sa iyong kahilingan, ibahin, baguhin  o burahin ang iyong hindi kumpleto, hindi wasto o lumang personal na datos, at
  • Sa ilalim ng ilang pangyayari, higpitan ang pagpoproseo ng iyong personal na datos;
  • Sa ilalim ng ilang pangyayari, na makalimutan namin; at
  • Maghain ng reklamo sa isang superbisor na kapangyarihan.

Maaari mong gamitin ang mga karapatang ito sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin ng email sa data.protection(a)konecranes.com o sa pamamagitan ng pagpuno sa form sa

Gaya ng kinakailangan ng sapilitang mga batas ng proteksyon ng datos, nakumpleto namin ang masusing pag-aanalisa hinggil sa mga panganib na posibleng dahilan ng aming pagpoproseso ng Customer Contact Data sa iyong mga karapatan at kalayaan.

Gaya sa anuamng pagpoproseso ng datos, ang ilang panganib ay posible rin sa amin na pangunahing inuuganay sa

  • antas ng pagkakupidensyal ng iyong personal na datos;
  • mahalaga ang pangkalahatang seguridad ng datos; at
  • iyong kawalang kakayahan na ma-access ang aming mga sistema at serbisyo.

Gayunman, ang mga kalalaan ng mga panganib na ito ay kinilala na magiging mababa at may malayong posibilidad lamang. Bukod doon, binabawasan namin ang mga panganib na ito i.a.sa pamamagitan ng:

  • tuluy-tuloy na pagsasanay sa aming mga kawani,
  • pagbibigay at pagbuo ng mga detalyadong tagubilin; at
  • pagpapatupad at pagpapabuti ng aming mga kasanayan sa seguridad ng datos.

Kinokolekta namin ang iyong personal na datos:

  • nang direkta mula sa iyong hal. kapag nagparehistro ka sa aming digital na mga serbisyo o lumahok sa isang pulong ng sales o tumawag sa telepono sa amin;
  • mula sa iyong mga superyor o kasamahan;
  • mula sa aming mga sariling empleyado o kasosyo sa negosyo; at
  • sa isang lilmitadong pagpapahaba sa pamamagitan ng pag-oobserba sa iyong pag-uugali sa iyong mga digital na serbisyo.

Oo, depende sa kaso maaari naming ipadala ang iyong personal na datos sa labas ng EU/EEA:

Ang iyong personal na datos ay maaaring mailipat sa mga sumusunod na bansa para sa pagpoproseso:

Gumagamit kami ng mga maaasahang subcontractor para bigyan kami hal. ng mga serbisyo ng IT na binibigyang kakayahan ang aming pagpoproseso ng personal na datos - kasama sa mga serbisyong ito, nang walang limitasyon, probisyon ng iba’t ibang imprastraktura, software at mga application na ginagamit nang palagian sa pagpoproseso ng datos ng kontak sa loob ng pandaigdigang mga grupo ng mga kumpanya.

 

 

Bilang isang tuntunin, hindi namin ibinubulgar ang iyong datos na labas sa aming mabisang kontrol maliban lang kung kinakailangan talaga ng batas sakaling hilingin ito ng korte o ng pulis o ibang ahensyang nagpapatupad ng batas.

Bilang karagdagan, maaaring ibunyag ang iyong datos sa isang limitadong paraan sa aming mga pinagkakatiwalaang kasosyo sa negosyo gaya ng mga bangko, kompanya ng seguro, auditor at mga legal na tagapayo.

Ang iyong personal na datos ay protektado ng mga hakbang ng teknikal at pang-organisasyon laban sa hindi sinasadya at/o labag sa batas na pag-access, pag-iiba, pagsira o iba pang pagpoproseso kabilang ang hindi awtorisadong pagbubunyag at paglipat ng iyong personal na datos. 

Kasama sa mga naturang hakbang ngunit hindi limitado sa tamang mga pagsasaayos ng firewall, angkop na pag-e-encrypt ng telekomunikasyon at mga mensahe pati na rin paggamit ng ligtas at sinusubaybayang kagamitan at mga silid ng server. Ang seguridad ng datos ay espesyal na alalahanin kapag ang mga ikatlong partido (hal. Mga subcontractor ng pagpoproseso ng datos) na nagbibigay at nagpapatupad ng mga sistema at serbisyo ng IT ay pinapanatili.

Ang mga kinakailangang seguridad ng datos ay nararapat na inoobserbahan sa pangangasiwa at pagsubaybay sa pag-access ng sistema ng IT. Ang pagpoproseso ng mga kawani ng iyong personal na datos bilang bahagi ng kanilang tungkulin ay sinanay at wastong tinagubilinan sa mga bagay ng proteksyon ng datos at seguridad ng datos

Sa katagalan (10) taon pagkatapos ng huling aktibidad ng negosyo kung saan ay nakasangkot ka.

Bilang karagdagan, ayon sa maaaring kailanganin ng kaso, maaari naming pahabain ang pagpapanatili ng iyong personal na datos sa dahilan ng pagtatatag, paggamit o pagtatanggol ng mga legal na claim o pagsasagawa ng aming panloob na mga imbestigasyon.

Hindi naaayon sa batas na ibigay ang iyong personal na datos, ngunit ang ilang personal na datos ay kinakailangan upang maisakatuparan o maipasok sa isang aktibidad ng negosyo (tulad ng kontak sa negosyo) sa amin.